Thursday 26 April 2012

LRT KO :D

Kapag sumasakay ako ng LRT, madalas kong binabasa yung mga nakalagay nga tula sa may bandang taas ng tren. Minsan nga ay naglalakad pa ako sa loob ng tren para lang mabasa lahat ng tula na nakasulat duon. Isa sa mga paborito kong tula ay yung “Tu Risa” ni pareng Pablo Neruda.


Close kami ni Pablo. Sino nga ba si pareng Pablo? Sa mga hindi nakakaalam si pareng Pablo yung may akda ng classic bitter-bitteran poem na pinamagatang“Tonight I can Write.” Kung hindi mo parin alam kung ano yung tula na nabanggit ko kanina, mag google ka na, siguradong makakarelate ka.


Eto nga pala yung last line ng tula na “Tu Risa” ni pareng Pablo na makikita nyo sa LRT:



ipagkait mo na ang tinapay,


hangin, liwanag at tagsibol,


wag lamang ang iyong ngiti


pagkat ito’y aking ikasasawi.




Abridged version lang yung nasa tren, mas maganda kung babasahin nyo ng buo yang tula na yan. Kahit paulit-ulit ko na yang binabasa, di parin nawawala ang ngiti sa aking labi. Ang sarap kase basahin. ^_^
Nakaka adik pala ang mga tula dun.

No comments:

Post a Comment